
Below is the lyrics of the song Atik Laham , artist - Gloc 9, Wency Cornejo with translation
Original text with translation
Gloc 9, Wency Cornejo
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Kung ang matatanaw ko ay ang hinahanap sa paglingon
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Sasabihin ko na minamahal kita
Nahukay ang pantay na lupa
Nagalisan ang mga tao
Tumigil ang iyakan na di kailangan ng kabaong
At mga ilaw na may sindi kahit tanghaling tapat
Talulot ng mga bulaklak sa sahig kalat kalat
Sinoli sa funeraria ang hiniram na bentilador
Sinabing di na namin kailangan ng embalsamador
Tumigil ang pagdurugo naghilom ang mga sugat
Ang mga nayuping bakal ay dahan dahang naunat
Walang naulat na nasawi o kahit nasaktan
Lumabas sa ospital na saki’y pinagdalhan
At sa loob ng sasakyan sa kalsada’y walang sagabal
Ang dating mabilis na takbo ng kotse’y bumagal
Alam ko ako’y galit bakit ngayon ay huminahon
Pilit kong tinatandaan anong nangyari kahapon
Dumating ako sa amin walang tao sa labas
Nang biglang ang nakasarang pintuan ay bumukas
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Kung ang matatanaw ko ay ang hinahanap sa paglingon
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Sasabihin ko na minamahal kita
Pumasok sa loob ng bahay ngunit bakit ang tahimik
Iba ang pakiramdam parang ako’y nananaginip
Nang aking nakita kinilabutan ako’y napapikit
Umiikot ang segundo sa relo ng pabalik
Lumapit ang aking anak kumapit’sa aking kamay
At sinabi sakin buti bumalik ka itay
Kawawa naman si inay nasa kwarto walang kasama
Lumakad at pinuntahan ko ang aking asawa
Nakalupagi sa sahig matay namumugto
Hindi ko malilimutan ang mga sumunod na yugto
Mga nagkabasag basag na salamin ay nabuo
At umaagos na luha sa kanyang matay natuyo
Bakit hindi kumikibo di naman nagbibiro
Ako’y kanyang minasdan tingi’y hindi lumiliko
Bigla kong naalala ang sigawan at ang tulakan
Parang balong puno ng tubig lahat ay natandaan
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Kung ang matatanaw ko ay ang hinahanap sa paglingon
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Sasabihin ko na minamahal kita
Alas kwatro ng madaling araw ay umuwing lasing
Dinadaan daanan lang kita’t hindi pinapansin
Hindi mo na kayang tiisin parang mata na may puwing
Nang ako’y iyong tanungin aking paningin ay nag dilim
Parang malapot na dura ang lumabas na salita
Aking sagot sa iyong tanong ay kumikirot na pasa
Ako’y lumabas tumakas maangas ang pagmumukha
Na parang ahas matalas ang malas kapag tumuka
Halos wala nakong buhay nang ako’y datnan sa ospital
Gusto lo lang malaman mo kung pwede lang mangumpisal
Paano magumpisa aminin bawat isa
Pagtalikod sa pangako natin sa isa’t isa
Sating pag sasama ika’y aking isinantabi
Ngunit’sa kabila ng lahat ika’y nasaking tabi
Mahirap o madali, umaga man o gabi
Ang ako’y napagsilbihan hindi ka nagmamadali
Alam kong lahat ng nagawa ko sa iyo’y kabaliktaran
Ng tunay kong naramdaman para sa iyo nasayang lang
Nais ko mang malaman mo ngunit lahat ay huli na
Bago masabi ako’y nalagutan ng hininga
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Kung ang matatanaw ko ay ang hinahanap sa paglingon
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
Sasabihin ko na minamahal kita
Sasabihin ko na minamahal kita
If only I could turn back the clock
If what I can see is what I am looking for in hindsight
If only I could turn back the clock
I will say that I love you
Excavated level ground
The people were upset
The crying stopped that the coffin was not needed
And lights with sparks even at noon
Petal of flowers on the floor scattered
The borrowed fan was returned to the funeral home
It was said that we no longer needed an embalmer
The bleeding stopped the wounds healed
The crushed iron was slowly stretched
No one was reported killed or even injured
Get out of the hospital where I was taken
And inside the car on the road there are no obstacles
The car's speed has slowed down
I know I'm angry so calm down now
I try to remember what happened yesterday
I came to us nobody outside
Suddenly the closed door opened
If only I could turn back the clock
If what I can see is what I am looking for in hindsight
If only I could turn back the clock
I will say that I love you
Enter the house but why the quiet
It feels different like I'm dreaming
When I saw it, I was terrified and closed my eyes
The second rotates on the clock back
My son came over and clung to my hand
And he told me you better come back dad
Unfortunately, my mother was in the room alone
I walked over and went to my wife
Lying on the floor dead swollen
I will never forget the stages that followed
Shattered broken glass was formed
And flowing tears on his dead dried up
Why not move and not joke
He looked at me and didn't turn around
I suddenly remembered the shouting and the pushing
Like a well full of water everyone is remembered
If only I could turn back the clock
If what I can see is what I am looking for in hindsight
If only I could turn back the clock
I will say that I love you
At four in the morning he came home drunk
I just pass by and ignore you
You can no longer stand like an eye with a puff
When you asked me my eyesight went dark
The word came out like thick sputum
My answer to your question is painful bruising
I went out and ran away with a proud face
Like a snake, bad luck is sharp when it stings
I was barely alive when I arrived at the hospital
I just want you to know if you can just confess
How to start admitting each other
Breaking our promise to each other
When we come with you, I put you aside
But in spite of everything, you are on my side
Hard or easy, morning or night
What I have been served, you are not in a hurry
I know everything I've done to you is the opposite
What I really felt for you was just wasted
I want you to know but it's too late
Before I could say that, I was out of breath
If only I could turn back the clock
If what I can see is what I am looking for in hindsight
If only I could turn back the clock
I will say that I love you
I will say that I love you
Songs in different languages
High-quality translations into all languages
Find the texts you need in seconds